ANG NATATANGING NAPUNTAHAN KO NA PASYALAN SA ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE JUNE 11, 2022 ANG NATATANGING NAPUNTAHAN KO NA PASYALAN SA ILOCOS NORTE Isang lakbay-sanaysay ni Veronica Nina Gallardo Kami ay may bisita na galling Cavite at Bulacan, dito sila pansamantalang titira habang sila ay nagtratrabaho sa isang Telecommunications Company. Araw ng martes noong nagyaya sila na lumabas at mamasyal dahil sila ay patapos na sa kanilang misyon dito sa Ilocos Norte. Agad naming pinag-usapan ang mga magagandang destinasyon dito sa Ilocos Norte. Ala-una ng hapon ay umalis na kami at nagtungo sa aming unang destinasyon. Una naming pinuntahan ay ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte, ng makadating kami sa Cape Bojeador Lighthouse ay agad kaming nag ikot-ikot at kinuhanan ng litrato ang isa’t isa. Ang sunod na destinasyon na aming pinuntahan ay ang Burgos Wind Farm at Kapurpurawan Rock Formation, agad kaming bumaba ng sasakyan at kumuha ng litrato ng mga nagsis...