IBA'T IBANG PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA NG IBA'T IBANG GRUPONG SOSYAL AT KULTURAL SA PILIPINAS PARTIKULAR NA SA ILOCOS NORTE
Ang mga Pilipino ay may iba't-ibang kultura at paniniwala, kaya iba't-ibang wika ang ginagamit natin sa iba't-ibang pangkat panlipunan at kultura. Mula sa makabuluhang kumbinasyon ng mga tunog at simbolo, maari kang bumuo o lumikha ng mga salita na nagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay ang paraan na ginagamit upang makipag-usap sa mga kapitbahay at paghahatid ng mensahe.
Ang paggamit ng terminong ito ng mga taga Ilocos Norte ay nagbibigay daan sa kanila upang maipahayag ang kanilang tradisyon at mga bagay na ipapamana sa susunod na henerasyon. Isa na rito ang iba't-ibang accent ng mga Ilocano. Katulad ng ibang bansa, ang mga Ilocano rin ay may iba't-ibang accent na nakadipende sa kanilang lugar.
Natutukoy agad ng mga taga Ilocos Norte kung taga saan ang isang tao sa pamamagitan ng pagsasalita nila dahil sa pagkakaiba ng accent. Halimbawa sa isang silid-aralan, iba-iba sila ng lugar na pinanggalingan ngunit sa pamamagitan ng kanilang accent ay matutukoy mo agad kung saang parte ng Ilocos Norte sila nanggaling.
Narito ang iba pang gamit ng wika sa Ilocos Norte.
1. Panghihikayat.
- ito ang gamit ng wika upang manghikayat o makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos o pakikipag-usap.
Halimbawa:
2. Pagpapahayag ng damdamin.
- Saklaw nito ang pagpapahayag ng saloobin, damdamin at emosyon.
Halimbawa:
3. Pakikipag-ugnayan.
- Ginagamit ang wika para makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa:
Veronica Nina Gallardo
11-ABM-GOZON
Comments
Post a Comment