ANG NATATANGING NAPUNTAHAN KO NA PASYALAN SA ILOCOS NORTE

 ILOCOS NORTE

JUNE 11, 2022

ANG NATATANGING NAPUNTAHAN KO NA PASYALAN SA ILOCOS NORTE

Isang lakbay-sanaysay ni Veronica Nina Gallardo

          Kami ay may bisita na galling Cavite at Bulacan, dito sila pansamantalang titira habang sila ay nagtratrabaho sa isang Telecommunications Company. Araw ng martes noong nagyaya sila na lumabas at mamasyal dahil sila ay patapos na sa kanilang misyon dito sa Ilocos Norte. Agad naming pinag-usapan ang mga magagandang destinasyon dito sa Ilocos Norte. Ala-una ng hapon ay umalis na kami at nagtungo sa aming unang destinasyon. Una naming pinuntahan ay ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte, ng makadating kami sa Cape Bojeador Lighthouse ay agad kaming nag ikot-ikot at kinuhanan ng litrato ang isa’t isa.


    Ang sunod na destinasyon na aming pinuntahan ay ang Burgos Wind Farm at Kapurpurawan Rock Formation, agad kaming bumaba ng sasakyan at kumuha ng litrato ng mga nagsisilakihang windmill. Makikita rin rito ang napakagandang Rock Formation na kasing puti ng asukal. Ang sunod naming pinuntahan ay ang Bangui Windmills, Nakita ulit naming ang nagsisilakihang Windmills, ito ay ipinatayo habang kasagsagan ng administrasyon ni Ferdinand ‘’BongBong’’ Marcos Jr noong siya ay gobernador pa lamang.

       Sunod na aming pinuntahan ay ang Patapat Viaduct at aming natuklasan ang paglubog ng araw. Napakaganda at napakasarap titigan. Kami ay tumigal sa Patapat Viaduct ng halos mag iisang oras dahil kami ay nagkape sa malapit na tindahan doon. Malayo at matagal ang byahe papuntang Patapat Viaduct kaya naisipan naming magkape at magpahinga. pagkatapos ay bumalik kami sa Bayan ng Laoag, Ilocos Norte upang kumain at umuwi. 


            Kinabukasan ay napag-usapan ulit namin na pumunta sa Paoay upang mamasyal dahil malapit na silang umuwi sa Cavite at Bulacan. Una naming pinuntahan ay ang lugar kung saan nanirahan ang dating presidente na Ferdinand Marcos Sr at ang kanyang First Lady na si Imelda Marcos at ang kanilang mga anak, ito ay ang Malacanang of the North. Aming natuklasan ang mga nagsisigandang mga kwarto at mga lumang gamit. Akin ding nasaksihan ang mga litrato ng kanilang pamilya. Napagmasdan ko rin ang mga proyekto ni Ferdinad Marcos Sr noong siya ay presidente. 


       Ang huli naming pinuntahan ay ang makasaysayang simbahan ng Paoay, Ilocos Norte ito ay ang San Agustin Church of Paoay na natapos noong 1710. Ito ay panahon ng  Philippine's Spanish colonial Era. Kilala rin ang San Agustin Church of Paoay dahil sa napakagandang imprastaktura. Pagkatapos ay umuwi na kami kaagad upang hindi na kami maabutan ng dilim. Nakaramdaman ako ng pananakit ng katawan dahil sa pagod ngunit hindi ko na masyado itong pinansin dahil sulit ang aming paglalakbay sa Ilocos Norte.


 



Comments

Popular posts from this blog

IBA'T IBANG PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA NG IBA'T IBANG GRUPONG SOSYAL AT KULTURAL SA PILIPINAS PARTIKULAR NA SA ILOCOS NORTE